Ang Mananaggal

May isang magandang dalaga na tinatawag na Maria. Siya ay napakaganda, kaya't hindi nakapagtataka na maraming mga kalalakihan ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Ngunit sa kabila ng kanyang kagandahan, may lihim siyang hindi kanais-nais. Si Maria ay isang manananggal.

Tuwing kabilugan ng buwan, nagpapahid ng langis si Maria sa buong katawan sa gitna ng kagubatan.  May tumutubong pakpak sa kanyang likuran at napupunit ang kangyang bewang para mahati ang kanyang katawan.   Sa gabi, lumilipad si Maria patungo sa mga lugar na may mga buntis na babae. Gamit ang kanyang mga pakpak na kamukha ng mga pakpak ng paniki, nagtatago siya sa itaas ng mga puno at naghihintay na ang mga buntis na babae ay makatulog. Lumilipad si Maria patungo sa kanilang mga bahay at ginagamit niya ang kanyang dila na humahaba tulad ng isang sinulid upang pumitlag sa loob ng sinapupunan ng buntis na babae at kunin ang sanggol nito.

Ngunit isang gabi, habang lumilipad si Maria at naghahanap ng susunod na biktima, may mga grupo ng kabataan na nakakita sa naiwang kalahating katawan ni Maria. Agad silang kumuha ng asin at sinabuyan ang katawang naiwan sa lupa ni Maria upang hindi na siya makabalik at mabuo ang kanyang katawan.  Agad naramdaman ni Maria ngunit huli na ang lahat, parang nasunog at nalusaw ang mga lamang loob ng naiwan nyang katawan.  Lumipad syang palayo at mula noon, hindi na nakita si Maria at hindi na rin kailanman nakakita ng manananggal sa kanilang lugar. 

Ngunit hanggang sa ngayon, may mga taong nagsasabing naririnig pa rin nila ang pakpak ng manananggal sa gabi. Kaya't kailangan pa rin nating mag-ingat at laging maghanda ng asin kung sakaling kailanganin ito panglaban sa pagbabalik ni Maria, ang manananggal!

Post a Comment

0 Comments